^

Metro

Transport group pumalag din sa expanded number coding scheme

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariin ding tinutulan ng  grupong Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide  (PISTON)   ang panukalang expanded number coding scheme ng MMDA  dahil ang  makikinabang lamang daw nito ay yaong mga mayayaman at mga  makapangyarihan sa bansa na may  maraming sasakyan. 

Ayon kay Piston President Goerge San Mateo, kapag na­ipatupad ang naturang hakbang, ang mga karaniwang middle­ class na indibidu­wal na may isa lamang na pag-aaring­  sasakyan­ at ang ordinaryong commuters ang tatamaan ng nasabing panukala. 

Sa ilalim ng panukalang expanded color coding, apat na numero ng last digit ng car plates ang sasailalim sa color coding kada araw  upang mabawasan daw ang matin­ding traffic sa Metro Manila sa halip dalawang ending car plates lamang ng sasakyan na kasalukuyang naipatutupad.

Mangangahulugan ito na magiging dalawang araw na ang magiging coding sa mga sasakyan sa loob ng isang linggo.

Binigyang diin din ni San Mateo na sa panig ng transport sector, malaki din ang epekto nito sa mga pampasaherong sasakyan na mababawasan ang arawang kita ng mga driver at mga conductor  gayun­din ang iba pang mga manggagawa  sa pampublikong transportasyon.

Anya, lalo lamang malu­lugmok sa hirap ng buhay ang maraming mamamayan kapag naipatupad ito dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo sa langis, bilihin, tubig, kuryente, matrikula, pasahe sa MRT at LRT at iba pang bayarin  kung mababawasan pa  ng dalawang araw ang kanilang biyahe at kita.

ANYA

METRO MANILA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGISANG SAMAHAN

PISTON PRESIDENT GOERGE SAN MATEO

SAN MATEO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with