^

Metro

Nanay iginanti ang anak, gumulping sekyu dinedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang security guard nang hampasin sa ulo ng matigas na bagay nang rumesbak na ina ng lalaking ginulpi ng una, kamakalawa ng umaga sa Pasay City.

Nasawi sa loob ng San Juan de Dios Hospital dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Rommel Cayaban, 35,  ng St. Agustin St., cor. St. Mary St., Maricaban, Pasay.

Arestado naman at nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Lizela Diaz, 40, ng Block. 2 Lot 30 Rita St., Maricaban.

Sa ulat ng Pasay City Police, unang ginulpi umano ng guwardiyang si Cayaban at  kabarkadang sina Michael Adviento, Dexter Cariaga, Rommel Cabalsi, Mark Anthony Padilla at Mark Jhun Rabanes, 35,    ang anak ng suspek na si Mark Anthony Diaz.

Nabatid na nagselebra umano ng kaarawan ni Cabalsi nang palihim na pumasok sa bahay si Diaz.  Nahuli nila ito at pinaggu­gulpi ng mga suspect dahil sa “trespassing”.

Nang makauwi, nagsumbong sa ina at mga kaanak si Diaz na rumesbak sa grupo ng sekyu. Dito pina­ulanan ng bato at tear gas ng grupo ng suspek sina Cayaban. Rumes­ponde naman sa lugar ang mga ta­uhan ng pulisya at mga tanod kaya lumabas ng bahay ang grupo ng biktima.  Dito umano sinamantala ng suspek at inatake si Cayaban nang hampasin ng ma­tigas na bagay sa ulo.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang matandang Diaz habang isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito nala­gutan ng hininga. Sa kulu­ngan, sinabi ni Diaz na nagtungo lamang sa bahay ng biktima ang kanyang anak upang magsanla umano ng sing­sing ngunit pinaggugulpi ng grupo ni Cayaban.

vuukle comment

CAYABAN

DEXTER CARIAGA

DIAZ

DIOS HOSPITAL

DITO

LIZELA DIAZ

MARICABAN

MARK ANTHONY DIAZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with