^

Metro

Holdaper patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong holdaper ang nasawi habang sugatan ang isang pasahero sa holdapang naganap sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) ang suspek na si Loudy Soriano, 28, residente ng Brgy. Tumana, Marikina City.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa St. Vincent Hos­pital ang isa sa mga pasahero ng jeep  na nakilalang si Ferrero Francisco Arce, 24, ng Armpac Compound, Banaba, San Mateo, Rizal, bunsod ng tinamong saksak sa likod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa loob ng pampasaherong jeep sa may JP Rizal  at Gonzales Sts., Marikina City.

Habang hinoholdap ng mga suspek ang mga pasahero ay nanlaban ang mga ito sanhi upang masaksak sa likod si Arce.

Dahil naman sa panlalaban ng mga pasahero ay natawag ang pansin ng mga nagpapatrulyang pulis, na kaagad ru­mesponde sa holdapan.

Kaagad namang nagpaputok ang mga suspek at nang gumanti ang mga awtoridad ay tinamaan si Soriano.

Nang makitang sugatan ang kasamahan ay mabilis nang tumakas ang dalawa pang suspek, habang isinugod naman sina Arce at Soriano sa pagamutan pero binawian din ng buhay ang suspek.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ARMPAC COMPOUND

FERRERO FRANCISCO ARCE

GONZALES STS

LOUDY SORIANO

MARIKINA CITY

RIZAL

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with