^

Metro

Rider pisak sa truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang 51-anyos na motorcycle rider  nang  masagi ng nakasabay na 10-wheeler truck habang binabaybay ang kahabaan ng Quirino Highway at Pedro Gil St., Paco, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala sa pamamagitan ng kanyang identification card at lisensiya ang biktima na si Noel Floretes,  ng C-7, Lot 14 Area C, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente  sa south-bound ng Quirino highway habang ang biktima na nagmamaneho ng itim na motorsiklo na Rusi (TL 1532) at pagdating sa kanto ng P. Gil St. ay masagi  ng truck (TVJ 798) dahilan para mabuwal ang motor­siklo nito at magulungan pa ng truck ang kanyang ulo.

Nabiyak umano ang helmet ng biktima at nakitang nakakalat na ang utak sa kalsada.

Inabandona naman ng driver ang minamanehong 10-wheeler truck dahil sa takot na kuyugin at naiwan lamang ang dalawang pahinante.

vuukle comment

AREA C

CAVITE

DASMARI

GIL ST.

MANILA TRAFFIC BUREAU

NOEL FLORETES

PEDRO GIL ST.

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with