^

Metro

Beautician utas sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking beautician ang patay makaraang pagba­barilin ng hindi mabatid na salarin sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Ayon kay PO2 Dennis Llapitan, may-hawak ng kaso, blangko pa rin sila kung sino ang sa­larin sa pagpatay sa biktimang si Wilfredo Radomes, 42, binata ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni Llapitan, nangyari ang insidente sa may harap ng Cebuana Lhullier pawnshop sa may kahabaan ng Riverside, Brgy. Commonwealth, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Sabi ng isang Mario Delmar,  nasa loob sila ng kanilang bahay nang bigla na lamang umano silang nagising ng kanyang asawa ng putok ng baril mula sa labas. Nang tignan nila ang pinanggalingan ng putok ay saka nakita ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay sa kalye. Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 at isang depormadong bala nito. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

CEBUANA LHULLIER

DENNIS LLAPITAN

ISANG

LLAPITAN

MARIO DELMAR

NANG

WILFREDO RADOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with