^

Metro

Anak hinataw ng bote, nanay nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinasya ng isang ginang na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ilang segundo matapos na umano’y hatawin nito ng bote ang kanyang 8-taong gulang na anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon.

Dakong ala-1:20 ng ha­pon nang madiskubre ng isang Ricardo Arnaiz ang bang­kay ni Marvelina Escandor, 45, vendor, naninirahan sa apartment no. 153 Sitio Pajo, Brgy. Baesa sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, nakatambay si Arnaiz sa lugar nang marinig niya ang 8 taong gulang na anak ng biktima na umiiyak sa loob at humihingi ng tulong. 

Agad na kinatok ni Arnaiz ang pinto ng biktima pero sa  kabila ng paulit-ulit na katok ay hindi ito sumasagot dahilan para humingi ang una ng tulong sa kapitbahay at puwersahang buksan ito.

Dito na tumambad ang biktima na nakatali ang  leeg ng cabel wire sa kisame.

Samantala, base sa pag­­ sisiyasat ng Talipapa Po­lice napuna umano ng mga kapitbahay nito na ang anak ng biktima ay maraming pasa sa noo at hematoma sa kaliwang mata.

Dito ay nalaman umano ng mga kapitbahay mula sa bata na pinalo siya ng kan­yang nanay ng bote ng fundador at matapos nito ay nagpa­kamatay na umano ang huli sa loob ng kanilang bahay.

Ang nasabing bata na nagtamo ng matinding head injury ay itinakbo sa Quezon City General Hospital para magamot.

vuukle comment

ARNAIZ

DITO

ERIC LAZO

MARVELINA ESCANDOR

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RICARDO ARNAIZ

SHY

SITIO PAJO

TALIPAPA PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with