P1-B utang ng Muntinlupa sa LBP, GSIS
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na umaÂÂabot sa P1 bilyon ang pagkakautang ng lungsod sa iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng administrasyon ni dating alkalde na si Aldrin San Pedro.
Ayon kay Fresnedi ang nasabing halaga ay pagkaka utang hindi lamang sa Land Bank of the Philippines (LBP) kundi maÂging sa Development Bank of the Philippines (DBP), GovernÂment Service Insurance System (GSIS), terÂminal pay ng mga kawani na hindi pa nababayaran, sa Expedition Construction Corporation at sa iba pang mga suppliers na aabot naman ang kabuuang halaga na nasa P154 million.
Sinabi ni Fresnedi, na bankrupt ang kaban ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Muntinlupa City dahil naging masalimuot ang financial status nito. Dahil dito, kukuha ng ekspertong financial analyst at auditor ang bagong upong alkalde upang resolbahan ang problemang panaÂnalapi ng pamahalaang lungsod.
Ayon pa sa pagsugpo sa katiwalian, ibangon mula pagÂkaka-bankrupt ang pamahalaang local ng Muntinlupa at ibalik ang tiwala ng mga mamamayan, na ilan laÂmang sa mga pangunahing layunin ng kasalukuyang admiÂnisÂtrasyonÂ.
- Latest