No. 10 most wanted sa Valenzuela, timbog
MANILA, Philippines - Isang itinuturing na number 10 most wanted criminal ang arestado ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang akusado na si Ryan Obaldo, 25, ng De Gula Compound, Brgy. Gen. T. De Leon ng naturang lungsod.
Nabatid sa rekord ng Valenzuela City Police, na si Obaldo kasama si Lorenzo Hilario Eronan ang bumaril at nakapatay sa isang Jun-Jun Ambuan,18, noong Abril 8, 2011 sa loob isang computer shop sa Brgy. Gen. T. De Leon ng naturang lungsod. Nagtago ang akusado hanggang sa babaan ito ng warrant of arrest. Dakong alas-6:10 ng gabi kamakalawa ay namataan ng mga pulis si Obaldo habang naglalakad sa Villa Liwayway, Brgy. Maysan ng naturang lungsod, na naging dahilan upang dakpin ito. Ang naturang akusado ay itinuturing na number 10 most wanted criminal sa naturang lugar.
- Latest



















