^

Metro

Lola na-sandwich sa 2 taxi, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 61-anyos na lola nang ma-sandwich ng dalawang magkakabit na taxi  nang bigla itong tumawid, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Mercedez Arcaolli, residente ng  Crisostomo  St., Sampaloc, habang nasa kustodiya naman ng Manila­ Police District-Traffic Enforcement Group (MPD-TEG) ang taxi driver na nakilalang si Anderson Gardoque.

Sa ulat  ni SPO4 Edison Bertoldo ng  MPD-TEG, dakong alas-10:27 ng gabi nang ma-ganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Laong-Laan at Crisostomo Streets.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga saksi, posibleng hindi napansin ng biktima na ang magkasunod na taxi ay magka­kabit o hatak-hatak ng  nasa unahan. Sa pagitan naman nito tumawid ang matanda kaya siya naipit. Natumba pa ito at pumailalim kaya tuluyang  nagulungan.

Dahil sa sigawan ng mga saksi kaya napa­hinto na rin ang driver na si Gardoque at isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan idineklara itong patay. Inihahanda ang isasampang kasong­  reckless imprudence resulting in  homicide sa driver.

ANDERSON GARDOQUE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRISOSTOMO

CRISOSTOMO STREETS

DAHIL

EDISON BERTOLDO

MERCEDEZ ARCAOLLI

POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with