8 parking attendant arestado, sa Maynila
MANILA, Philippines - Walong parking attendant mula sa ikalimang distrito ng Maynila ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at Office of the Vice Mayor kahapon ng umagaÂ.
Pansamantala munang hindi ibinunyag ang mga paÂngalan ng walong dinakip kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng pulisya subalit ang mga ito ay nagtatrabaho sa kompanyang Togawa.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, may natanggap na silang reklamo hinggil sa umano’y pangongolekta ng parking fee sa tourist belt area kung kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon laban dito.
Aniya, ang pangongolekta ng parking fee gamit ang isang kompanya ay pinahihintulutan lamang sa Binondo area batay sa isang agreement.
Sinabi naman ng isa sa mga hinuli na nirecruit sila ng isang barangay chairman at hindi umano nila alam na ilegal ang kanilang pangongolekta ng parking fee gamit ang isang kompanya sa lugar ng Malate area.
Samantala, sinibak sa puwesto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang hepe ng MPD Station 11 na si Supt. Alex NaÂvarrete dahil na rin sa masikip na daloy ng trapiko at paglipana ng vendors na umano’y kinokolektahan ng mga pulis ng halagang P150,000 para makapuwesto. Pinalitan ito ni Supt. Edgardo Doromal.
- Latest