^

Metro

2 pulis sugatan sa kilos-protesta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tauhan ng Quezon City Police District ang ini­ulat na nasugatan makaraang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng umaalmang residente na nagsagawa ng kilos-protesta laban sa nakatakdang demolisyon sa kanilang kabahayan sa bahagi ng  Sitio San Roque,  Quezon City.

Kinilala ang mga biktimang sina PO2 Ricky Garcillo at PO1 Larry Cristaguile, kapwa nakatalaga sa Civil Disturbance­ Management-District Police Safety Battalion ng QCPD.

Sumiklab ang gulo matapos na tangkain ng mga ta­uhan ni P/Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Police Station 2 na tanggalin ang mga nakaharang na mga residente na nagbarikada sa dalawang linya ng kalye sa Agham Road.

Bandang alas-6 ng umaga nagsimulang magbarikada  ng mga naninirahan sa Sitio San Roque, Brgy. Pagasa dahil sa hinalang may malawakang demolisyon sa kani-kanilang bahay matapos ang takdang araw na ibinigay ng lokal na pamahalaan.

Matapos nito, sinimulan ng mga residente na sakupin ang tatlong linya ng Agham Road kaya nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko.

Agad namang dumating ang ilang opisyal ng Human Rights at kinausap ang mga residente na tumabi subalit binalewala sila ng mga ito, hanggang sa rumesponde ang pulisya.

Ilang oras na nakipag-negosasyon ang mga awtoridad sa mga residente subalit hindi tumutugon kaya pagdating ng reinforcement mula sa QCPD-CDM-DPSB ay sini­mulang buwagin ang barikada.

Dito na nagsimula ang gulo makaraang paulanan ng mga bato, bote, at iba pang bagay ang mga awtoridad hanggang sa magkasakitan.

Ayon kay Sanchez, wala silang nalalaman na demolisyong magaganap sa nasabing lugar at naroon lamang sila upang hawiin ang pagbabara sa kalye ng Agham Road at para magbantay.

Tumagal ng halos apat na oras ang ginawang kilos-protesta bago mapahupa ng mga awtoridad.

Binigyan ng palugit ng lokal na pamahalaan ang mga residente hanggang Hulyo 30 na lumisan sa kani-kanilang tahanan dahil sa planong gawing business district ang nasabing lugar.

 

vuukle comment

AGHAM ROAD

CIVIL DISTURBANCE

HUMAN RIGHTS

LARRY CRISTAGUILE

MANAGEMENT-DISTRICT POLICE SAFETY BATTALION

PEDRO SANCHEZ

POLICE STATION

SITIO SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with