^

Metro

Paglalagay ng CCTV sa mga establisimyento, isasabatas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Vice Mayor Isko Moreno na malaki ang maitutulong ng  paglalagay ng close circuit television sa lahat ng mga establisimyento upang  masawata ang  iba’t ibang krimen sa lungsod.

Ayon kay Moreno, panahon na  ang paglalagay ng  CCTV sa mga establisimyento na kadalasang nagiging biktima ng mga sindikato.

Sinabi ni Moreno na kailangan na sumunod ang mga  negosyante  sa kanilang  ordinansa para na rin sa kanilang  kapakanan.

Kaugnay nito, binigyan  ni Estrada si MPD chief Sr. Supt. Isagani Genabe ng hanggang 100 araw upang maituwid ang baluktot na sistema na nakasanayan ng mga pulis. Pinasusugpo rin ni Estrada ang  korapsiyon at umano ay kailangang maibalik  ang  pagiging  Manila’s Finest ng pulisya sa Maynila.

Bagama’t tiniyak din ng alkalde na walang magaganap na balasahan sa 11 istasyon ng MPD, tinani­ngan naman nito ang 11 commander na ayusin ang kanilang mga nasasakupan. 

Samantala, sinabi  naman ni Genabe na  binibigyan na­man niya ng 15 araw ang kanyang mga kapulisan na baguhin ang kanilang sistema at linisin ang kanilang nasasakupan.

Dapat ng tapusin ng mga pulis ang kanilang pangongotong at pangi­ngikil  at  ayusin ang daloy ng trapiko sa lungsod.

Idinagdag pa ni Genabe na maraming pulis ang posibleng masibak at ma­dismis kung hindi titigil sa kanilang  katiwalian.

Samantala, idinagdag pa ni Moreno na handang makipagtulungan ang konseho ng Maynila kay Mayor Estrada upang mapabuti ang kondisyon ng lungsod.

GENABE

ISAGANI GENABE

KANILANG

MAYNILA

MAYOR ESTRADA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with