^

Metro

Kargador todas sa sekyu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa iligal na pagka­kargador sa Ninoy Aquino In­ternational Airport (NAIA), nasawi ang isang lalaki makaraang barilin ng isang security guard ng paliparan sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Arnel Bonifacio, 35, ng Road 6, Pildera 2, ng naturang lungsod dahil sa tama ng bala sa likod habang isinugod rin sa naturang pa­gamutan ma­karaang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso ang 19-anyos na si Jo­seph Gavriel Puig.

Nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Edwin Ca­pistrano, 37, security guard ng Lockheed Security Agency at nakatalaga sa parking lot ng NAIA Terminal .

Sa imbestigasyon, unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Capis­trano at Bonifacio nang pagbawalan ng sekyu ang biktima na mag-alok ng pagkakargador sa mga pasahero ng paliparan dahil sa ipinagbabawal ito ng pamunuan ng NAIA.

Dakong alas-12 ng hating­gabi nang muling makita ng suspek ang biktima na nagka­kargador. Naghubad ng uniporme ang suspek at lulan ang kanyang motor ay pinuntahan ang biktima na nasa aktong ikinakarga ang bagahe ni Puig na kalalapag lamang galing sa Davao.

Nilapitan umano ni Capis­trano ang biktima at binaril ng dalawang beses sa likod.  Tumagos naman ang bala at tumama sa braso ni Puig habang ang isang bala ay tumama sa kaliwang bahagi ng salamin ng taksi na minama­neho ng isang Edgardo Nopia.

Agad namang inaresto ng mga pulis si Capistrano makaraang ituro ng ilang saksi na siyang namaril sa biktima. Iti­­nanggi naman ni Capistrano ang bintang sa kanya sa pag­sasabing .9mm pistol ang kanyang baril at hindi kalibre .45 base sa narekober na basyo ng bala sa lugar ng krimen.

 

vuukle comment

ARNEL BONIFACIO

CAPIS

CAPISTRANO

DIOS HOSPITAL

EDGARDO NOPIA

EDWIN CA

GAVRIEL PUIG

LOCKHEED SECURITY AGENCY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with