^

Metro

Banggaan ng kariton; 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tindero ang na­sawi habang sugatan ang isa pa nang magsaksakan ang mga ito matapos na mag-away nang magka­banggaan ang mga kariton ng kanilang mga paninda sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din ang biktimang si Elmer Bagtaso, 25, vendor, residente ng Venancio Caliwag St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, bunsod nang tinamong pitong saksak sa katawan.

Samantala, arestado na­man ang suspek na si Gilson Garcia, 24, vendor, at tubong Niyugan Bliss, Jaen, Nueva Ecija, na nagtamo ng sugat sa ulo at kamay.

Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police, na dakong alas-3:45 ng mada­ling-araw nang maganap ang krimen sa loob ng Pasig City Mega Market na matatagpuan sa Urbano Velasco Avenue sa Barangay Malinao.

Bago ang krimen, kap­wa dala umano ng mga biktima at suspek ang kani-kanilang paninda na na­kalagay sa mga kari­ton, nang dumaan ang bik­tima at aksidenteng na­bangga nito ang mga paninda ng suspek.

Humingi naman umano ng paumanhin ang biktima sa suspek, ngunit inakala ng huli na sinadya ng biktima ang nangyari kaya’t kaagad na inambaan ng suntok ang biktima.

Dahil dito ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa umalis ang biktima at na­iwan ang suspek.

Gayunman, bumalik uma­no ang biktima na may dala nang bolo at bigla na lang inatake ang suspek na tinamaan ng taga sa ulo at kamay.

Nagawa naman uma­ nong makatakbo ng suspek at nakakuha ng patalim na siyang ginamit nito para pagsasaksakin ang biktima sa katawan na ikinasawi nito. Tinangka pa umano ng suspek na tumakas ngunit naaresto rin.

 

vuukle comment

BARANGAY MALINAO

BIKTIMA

ELMER BAGTASO

GILSON GARCIA

NANG

NIYUGAN BLISS

PASIG CITY

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with