^

Metro

Konduktor patay sa holdap

Ludy Bermudo­ - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay nang barilin sa ulo ang isang konduktor nang tumangging ibigay sa dalawang holdaper ang kanyang wallet at cellphone, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Salvador Ocampo, 30, stay-in sa terminal ng Raymond Transport sa panulukan ng Sta.Teresa at Legarda Sts. Sampaloc.

Natangay din ng mga suspect ang shoulder bag ng nobya nitong si Erica Carabio, 18,   ng San Pablo, Laguna.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:40 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa  panulukan ng Alcantara at Lacson Sts.Sampaloc, Maynila.

Kalalabas pa lamang ng Apitong Apartelle ng biktima at nobya nito nang sundan ng mga suspect at tutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap. Itinulak ang mag­nobyo sa gilid ng nakaparadang L-300 van at pedicab  at kinuha ang bag ni Carabio habang tumanggi naman si Ocampo na ibigay ang wallet at cellphone.

Agad namang pinutukan ng isa sa suspect ang pumalag na biktima at tumakas nang makitang bumulagta ito.

Nakarekober pa ang mga pulis ng kuwintas sa leeg ng biktima, cellphone at pitaka na naglalaman ng P7,000  na hindi nakuha ng mga suspect.

vuukle comment

APITONG APARTELLE

ERICA CARABIO

GLENZOR VALLEJO

LACSON STS

LEGARDA STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RAYMOND TRANSPORT

SALVADOR OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with