^

Metro

‘Plastic ban’ simula na sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ang implementasyon ng ‘plastic ban’ sa lungsod ng Makati City makaraan ang siyam na taon ma­tapos na maipasa ang ordi­nansa dito noong 2003.

Nasa 49 monitoring teams buhat sa Plastic Monitoring Task Force (PMTF) ang ipinakalat kahapon na naglibot sa mga establisimiyento sa lungsod para mabatid kung sumusunod ang mga ito sa ordinansa.

Nabatid na naipasa ang City Ordinance No. 2003-095 o “Use of Environment Friendly Ha­zards” noon pang 2003 ngunit nagbigay ng siyam na taong grace period na nagtapos nitong Disyembre 31, 2012. Ngu­nit nagbigay pa si Mayor Junjun Binay ng anim na buwang ekstensyon na nagtapos nitong Hunyo 20.

Sa ilalim ng ordi­nansa, ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic at styrofoam sa pagbabalot ng mga pagkain at iba pang produkto.

Ang mga indibidwal na lalabag ay papatawan ng multang P1,000 multa o pagkakulong ng lima hanggang 30 araw.

Sa mga korporas­yon o negosyo, multang P5,000 o pagkakulong ng may-ari ng hanggang 30 araw o pareho. Maaari ring ma­kansela ang business permit at lisensya ng mga ito.

Binubuo ang ins­pection team ng apat na miyembro na buhat sa Makati Action Center, Health Dept., liga ng mga Barangay, Business Permits Office, Economic Enterprise Mngt. Office, at Dept. of Envronmental Service.

Lilibutin ng mga ito ang mga supermarkets, pampublikong palengke, shopping malls/department stores, restoran, fast food chains, convenience stores, canteens, eateries at iba pa.

 

BUSINESS PERMITS OFFICE

CITY ORDINANCE NO

ECONOMIC ENTERPRISE MNGT

ENVRONMENTAL SERVICE

HEALTH DEPT

MAKATI ACTION CENTER

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with