^

Metro

Tricycle driver, itinumba habang namamasada

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect  habang ang una ay namamasada sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala  ang biktima na si Reynald dela Cruz, 32, residente ng  Harmony Road, Brgy. Balingasa sa lungsod.

Base sa pahayag ng isang testigo, nag-iisa lamang umano ang salarin na naglakad lamang papalayo sa lugar makaraang isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa  harap ng isang drug store sa A. Bonifacio St., malapit sa 11th Avenue Brgy. Ba­lingasa ganap na alas-8:45 ng umaga.

Ayon sa isang saksi, nasa loob siya ng drug store ng makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.

Agad siyang lumabas upang tingnan ang pinangga­lingan ng putok kung saan tumambad sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay sa lugar at wala nang buhay.

Ilang hakbang ang layo sa lugar ay nakita umano ng saksi ang isang lalaki na nag­lalakad papalayo rito.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng pulisya ang motibo ng naturang krimen at pagkaka­kilanlan ng nasabing suspect.

 

vuukle comment

AVENUE BRGY

AYON

BALINGASA

BONIFACIO ST.

BRGY

CRUZ

HARMONY ROAD

ILANG

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with