^

Metro

24-anyos bulagta sa trigger happy na kelot

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 24-anyos na mister makaraang pagtri­pan at malapitang barilin sa ulo ng  isang trigger happy na suspect  sa kabila ng pagmamakaawa ng una sa isang tindahan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Maron Abeto, 29, may-asawa ay nagawa pang ma­itakbo ng kanyang kaanak sa ospital, subalit idineklara ding patay matapos ang ilang oras na gamutan sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa ulo, ayon kay PO2 Dennis Llapitan, imbestigador.

Ang suspect na si Angel dela Cruz ay tumakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang insidente sa loob ng Kulot store na mata­tag­puan sa kahabaan ng Villa Angelica Drive, Sitio Gitna, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Bago nito, ayon sa testigong si Noel Saluta, nag-iinuman sila ng suspect sa naturang tindahan nang biglang bunutin ng huli ang kanyang baril at pinaputok sa ere.

Tiyempo namang napadaan ang biktima sa lugar sakay ng kanyang motorsiklo at nang makita siya ng suspect ay tinawag siya nito.

Nang hindi pansinin ng biktima ang suspect, galit na nagpaputok muli ito sa ere dahilan para bumalik ang una para ma­kihalo sa inuman ng dalawa.

Habang papaupo umano ang biktima, biglang hinawakan ng suspek ang ulo nito saka itinutok dito ang baril. Dito na nagmakaawa ang biktima sa suspect, pero naging bingi ang huli hanggang sa kalabitin niya ito at pumutok sa ulo ng una.

Nang bumuwal sa lapag ang biktima, naglakad lamang papalayo ang suspect na patungo sa hindi mabatid na direksyon na parang walang nangyari.Sinasabing palaging trip ng suspect ang magpaputok ng baril sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insi­dente.

 

vuukle comment

BRGY

CRUZ

DENNIS LLAPITAN

NAGKAISANG NAYON

NANG

NOEL SALUTA

SI MARON ABETO

SITIO GITNA

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with