^

Metro

Ginang hinalay ng tanod sa loob ng brgy. hall

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang barangay tanod ma­karaang pagsamanta­lahan nito ang isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip sa loob mismo ng ba­rangay hall matapos maki­silong ang huli dahil sa baha sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Anonas Police Station 9,  kinilala ang suspect na si Jericho Bellen, 34,  ng Brgy. Amihan, Project 3 sa lungsod.

Si Bellen ay inaresto base sa reklamo ng isang 74-anyos na lola na si Aling Jesusa, matapos mahuli nito sa akto ang suspect habang ina­abuso ang kanyang 46-anyos na anak na babae na may ka­pansanan sa pag-iisip.

Sa imbestigasyon ni PO2 Sofia C. Caparroso, nangyari ang insidente sa mismong barangay hall ng Brgy. Amihan, Proj. 3 kamakailan, ganap na alas-8:45 ng gabi.

Ayon kay Lola Jesusa, pagpunta niya sa nasabing barangay, nagulat na lamang siya nang makita ang anak na si Joan na walang saplot sa katawan at ginagahasa ng suspect.

Dahil dito, agad na tumakbo papalabas ng barangay hall si lola at humingi ng saklolo kay PO2 Renato Martin at barangay tanod na malapit sa barangay hall at ipinaaresto ang suspect.

Sa panayam kay Jess Santos, executive officer ng barangay, napunta umano ang biktima sa kanilang ba­rangay matapos na maki­silong nang bahain ang kanilang bahay na umabot hanggang dibdib ang taas.

Kaya naman, pansamantalang kinupkop umano ang biktima habang ang nanay nitong si Aling Jesusa ay ina­asikaso ang bahay nilang binaha. Tiyempo namang pagbalik umano ni Aling Jesusa sa barangay para tawagin ang anak na kumain ay saka niya naaktuhan ang suspect habang ginagahasa ang kanyang anak dahilan para ipaaresto niya ito.

Dagdag ni Santos, bago pa mangyari ang insidente, nagkakaroon na rin umano sila ng problema sa suspect dahil madalas umano itong lasing at posibleng ito ang ugat para gawin nito ang nasabing kahalayan.

 

vuukle comment

ALING JESUSA

AMIHAN

ANONAS POLICE STATION

BARANGAY

BRGY

JERICHO BELLEN

JESS SANTOS

LOLA JESUSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with