^

Metro

Rider patay sa boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tagos sa mata  ang tama  ng  isang motorcycle rider nang barilin ng kalibre .45 sa ulo   ng di kilalang salarin  habang binabagtas ang panulukan ng Bulacan at M. Hizon Sts., sa Sta Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Charlie Flores, may-asawa, walang trabaho, residente  ng no. 2553 Felix Huertas St., Sta Cruz, Maynila sanhi ng tinamong bala.

Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng gunman bagamat isinalarawan na balingkinitan ang pangangatawan, nasa edad 25 hanggang 30.

Dakong alas 5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Bulacan at M. Hizon Sts., Sta Cruz, Maynila.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (9264-TI) at binabagtas ang nasabing lugar nang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing inasinta sa ulo ang biktima na ikinabagsak nito at kanyang  motorsiklo.

Matapos ang pamamaril ay kaswal na tumakas ang suspect  sa direksiyon ng Bulacan St. patungong Rizal Avenue dala ang ginamit na kalibre 45.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril.

vuukle comment

BULACAN

BULACAN ST.

CHARLIE FLORES

FELIX HUERTAS ST.

HIZON STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RIZAL AVENUE

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with