^

Metro

Mister, estudyante nagsuicide

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ama ng taha­nan at isang dalagang estudyante ang kapwa nagpatiwakal dahil sa magkaibang problema, sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Joseph Manahan, 50, ng Phase 10-A Bagong Silang, Caloocan at Liza Adduru, 18, ng Road 10 Sitio Sto. Niño, Brgy. NBBS, Navotas City.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong alas-7 kahapon ng umaga nang madiskubre  ng kaptibahay na si Ligaya Sarmiento ang bangkay ni Manahan na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang isang nylon cord.

Nabatid na bago ang pagpapatiwakal, humingi ng patawad si Manahan sa mga anak dahil sa pagpaparusa niya sa mga ito. 

Nag-ugat umano ang depresyon ni Manahan nang hindi na umano magpadala ng pera ang kanyang mi­sis na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at na­mumrublema sa gastusin para sa mga anak dahil sa wala itong sa­riling trabaho.

Dakong alas-7 naman ng Sabado ng umaga nang mawalan ng malay si Adduru sa tapat ng bahay nito.  Agad namang sinaklolohan ng mga kaanak ang dalaga at isinugod sa Tondo Medical Center ngunit nalagutan rin ito ng buhay.

Nabatid sa mga manggagamot na uminom ng “silver cleaner solution” ang dalaga na siyang sanhi ng kamatayan. 

 

vuukle comment

A BAGONG SILANG

CALOOCAN

JOSEPH MANAHAN

LIGAYA SARMIENTO

LIZA ADDURU

MANAHAN

NABATID

NAVOTAS CITY

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with