^

Metro

Pulis na ‘tulak’ timbog ng PDEA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pulis Que­zon City  na hinihinalang sangkot  sa iligal na droga­.

Kinilala ni PDEA Director General Under­secretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si PO3  Nestor Del Rosario, 53.

Ayon sa ulat, si PO3 Del Rosario ay kilalang ‘tulak’ umano ng shabu sa Samonte St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nabatid sa PDEA  na dakong alas-6:00 ng gabi nang ikinasa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES) ang search warrant na inilabas ni  Hon. Fernando T. Sagun Jr. ng Branch 78, Regional Trial Court sa Quezon City sa bahay ng suspek sa  Samonte Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Matapos salakayin ang bahay nito, nakuha sa pag-iingat ng pulis ang 11 plastic sachets ng shabu, isang kalibre 9mm pistol; isang magazine; 13 bala ng baril at  shabu paraphernalias.

Nahaharap sa ngayon si PO3 Del Rosario sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

 

ARTURO G

BRGY

DEL ROSARIO

DIRECTOR GENERAL UNDER

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

FERNANDO T

HOLY SPIRIT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with