^

Metro

Lamayan inararo ng van: Buntis, 8 pa sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam katao ang iniulat na nasugatan kabilang ang isang buntis makaraang araruhin ang isang lama­ yan ng isang delivery truck kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima kabilang ang buntis na si Zaira Castro, Lilibeth de Castro, Sharmaine Carandang, Leny de Castro, Rachel Corra, Tristan del Rosario, Mike Chester del Rosario, Neil Olegario at Mark Angelo­ Olegario.

 Arestado naman ang driver ng nakabundol na delivery van (RLZ-323) na si Ismael Macay, ng  Dona Pedro Street, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Ayon kay SPO1 Da­niel Semproc, ng Makati Police-Traffic Management­ Unit, binabagtas ni Macay ang JP Rizal Street nang mawalan ng kontrol at mabundol ang grupo ng tao na naglalamay sa may kanto ng Bernardio Street.

Depensa naman ni Ma­cay, iniwasan umano niya ang isang lalaki na biglang tumawid sa lugar kaya bigla niyang nakabig ang manibela at mabundol ang mga nag­lalamay sa gilid ng kalsada.

Hindi naman paniwala dito ang mga pulis dahil sa hinalang nasa impluwensya ng alak si Macay makaraang isailalim ito sa “breath analyzer”. Nahaharap ngayon ang suspek sa patung-patong na mga kaso.

vuukle comment

BERNARDIO STREET

DONA PEDRO STREET

ISMAEL MACAY

MACAY

MAKATI CITY

MAKATI POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT

MARK ANGELO

MIKE CHESTER

NEIL OLEGARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with