^

Metro

LPG distribution system sa Serendra, isinara na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Boluntaryo nang isinara ng Serendra Condominium Corporation na pag-aari ng Ayala Land Incorporation ang buong centralized Liquified Petroleum Gas (LPG) distribution system nito sa Fort Bonifacio Global sa Taguig City.

Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II matapos naman itong iparating sa kaniya ni Ayala Land Inc. Chief Executive Officer(CEO) at President Antonino Aquino.

Ang hakbang ay isinagawa makaraang mauna nang matukoy na walang bomba kundi sanhi ng pag­singaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang ma­­lagim na pagsabog sa condominium unit 501-B  ng Two Serendra noong Mayo 31 na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat pa ng apat.

Nabatid na ang buong Serendra condominium ay gumagamit ng LPG piping system sa mga unit nito.

Ayon kay Roxas, bagaman natukoy na  gas leak o mula sa tagas ng LPG  ang ugat ng pagsabog sa Two Serendra condominium ay kinakailangan pa ring su­riin  ang buong construction plan ng gusali.

Iginiit nito na kailangan pa ring makita  kung sinunod ba ang plano, tama ba ang mga inilapat na safety devices, sino ang supplier  ng LPG at kung sinunod  ang requirements para rito.

Samantala, hindi pa masabi ni Roxas kung pana­na­gutin ng pamahalaan ang Ayala Land Inc. sa naganap na insidente.

 

AYALA LAND INC

AYALA LAND INCORPORATION

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

FORT BONIFACIO GLOBAL

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

PRESIDENT ANTONINO AQUINO

TWO SERENDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with