Dalaga, minolestiya muna bago pinagnakawan
MANILA, Philippines - Minolestiya muna bago pinagnakawan ang isang dalaga ng binatang kapitbahay nito kahapon ng maÂdaling- araw sa Caloocan City.
Nakakulong at nahaharap sa kasong rape, robbery, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspect na si Reggie Adorador, 18, ng Block 6, Bagumbong ng naturang lungsod.
Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police Women’s and Protection Desk Section, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa loob ng kuwarto ng biktimang itinago sa pangalang Diding, 20, sa Coopville ng naturang lugar.
Natutulog ang biktima nang biglang magising matapos takpan ng suspect ang bibig nito habang nakatutok ang patalim.
Walang nagawa ang dalaga hanggang sa minolestiya muna ito ng suspect at pagkatapos ay tinangay ang wallet at cellphone nito.
Matapos ang insidente ay nagsumbong sa mga pulis ang biktima at sa isang follow-up operation ay nadakip ang suspect.
- Latest

















