^

Metro

P1-M halaga ng ari-arian naabo sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang P1 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog sa dalawang palapag na bahay sa Barangay St. Ignatius, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni SFO3 Sherwin Piñafiel ng Quezon City Fire Protection Deputy, ang sunog na tahanan ay pag-aari ng isang Dolores Cruz na matatagpuan sa no. 1 Harvard St., ng nasabing barangay.

Nabatid na alas 9:29 nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng nasabing bahay, hanggang sa tuluyang lamunin ito.

Pero dahil sa mabilis na pagtugon ng mga pamatay sunog, umabot lamang ito sa ikatlong alarm, pero na­dale rin ang dalawang sasakyan na nasa loob ng garahe.

Ganap na alas-10:02 ng gabi na tuluyang ideklarang fire out ang sunog, pero wala namang iniulat na nasaktan o nasawi dito.

Inaalam pa ang sanhi ng nasabing sunog.

AYON

BARANGAY ST. IGNATIUS

DOLORES CRUZ

GANAP

HARVARD ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE PROTECTION DEPUTY

SHERWIN PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with