^

Metro

1,500 plaka ng sasakyan, hindi tinutubos sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Padadalhan ngayon ng Legal Department ng pamahalaang lungsod ng Makati ng legal summons ang mga may-ari ng mga hindi tinutubos na plaka ng sasakyan na umabot na ng 1,500 na nakumpiska dahil sa paglabag sa “smoke belching law”.

Ayon kay Makati Mayor Junjun Binay, pupuwersahin nila  ang mga pasaway na may-ari ng mga plaka na tubusin ang mga ito at bayaran ang kaukulang multa base sa isinasaad ng batas.

Sa ilalim ng Republic Act 8749 o Clean Air Act, lahat ng operator at drivers ng mga sasakyang mahuhuli dahil sa smoke belching ay binibigyan lamang ng 72 oras para tubusin ang plaka ng kanilang mga sasakyan at bayaran ang mga multa.  Sa unang paglabag, P1,000 multa; ikalawang paglabag, P2,000 multa; at ikatlong paglabag- P3,000.  Kinakailangan rin na pumasa muna sa smoke emission testing ang kanilang mga sasakyan bago mabayaran ang mga multa.

Sa ulat ni Makati Pollution­ Control Office (MPCO) head Ricardo Suarez­, upang makaiwas sa pagbabayad ng multa, kumukuha ang mga pasaway na mga may-ari ng mga plaka ng “affidavit of loss” upang palabasin na nawala o ninakaw ang nakumpiska nilang plaka.  Isinusumite nila ito sa Land Transportation Office (LTO) para sa pag-renew ng kanilang rehistro at makakuha ng bagong plaka.

Inatasan naman ni Binay ang MPCO na makipag-ugnayan sa LTO upang mamonitor ang mga may-ari ng mga plaka na mag­re-renew ng rehistro ng kanilang sasakyan upang mapigilan ang mga ito at masampahan ng kaukulang kaso.

Nakatakda namang sumulat si Suarez kay LTO Asst. Secretary Virginia Torres upang makalikha ng solusyon para matigil ang paggamit ng “affidavit of loss” sa pagrerehistro ng sasakyan kahit na may kinakaharap na kaso sa mga lokal na pamahalaan.

CLEAN AIR ACT

CONTROL OFFICE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEGAL DEPARTMENT

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI POLLUTION

PLAKA

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with