Pasyente ng PGH nag-panic dahil sa fire drill
MANILA, Philippines - Nagkatensiyon sa loob ng Philippine General Hospital (PGH) kung saan nagtakbuhan ang mga pasyente at mga hospital staff matapos na magsagawa ng fire drill kahapon ng umaga.
Alas-10:00 ng umaga nang simulan ang pagsasanay ng ilang mga miyembro ng Manila Fire Department bilang paghahanda sa pagkakaroon ng sunog.
Hindi napigilan ng mga pasyente at mga hospital staff ang takot at tensiyon ng marinig ang serena ng mga bumbero sa lugar. Gayunman, agad ding napakalma ang mga ito nang malaman na isa lamang itong pagsasanay.
- Latest




















