^

Metro

Kelot utas sa resbak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa nitong kasama matapos na pagbabarilin ng isang grupo ng mga suspect na rumesbak sa ginawang panggugulpi ng mga biktima, kamakalawa ng madaling-araw sa Taguig City.

Hindi na umabot pang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital si Patrick Millares, 20, ng Blk 58 Lot 21 Upper Bicutan sanhi ng tama ng bala sa dibdib, habang sugatan naman ang mga kasama na sina Rannie Garcia, 26 na nahagip ng bala sa kanang bahagi ng hita at Rafael Vinas, 34 na tinamaan sa puwitan.

Sa imbestigasyon ng Taguig police, bumibili ng alak at sigarilyo sina Millares at kaibigang si Ave Gamer, 20 sa Osano Park Upper Bicutan dakong alas-2:10 ng madaling-araw nang makasagutan nila ang dalawang hindi kilalang lalaki.

Bigla umanong sinapak ni Gamer ang isa sa dalawa bago mabilis na silang nagtatakbo palayo sa lugar bago pa man makaganti ang mga nakalaban.

Habang nakatambay sa kanilang lugar, dumating ang dalawang lalaki na armado na ng baril at walang sabi-sabi na pinaulanan ng bala ang grupo nina Millares na nagresulta sa pagkasawi nito.  Mabilis na tumakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril.

vuukle comment

AVE GAMER

BIGLA

MILLARES

OSANO PARK UPPER BICUTAN

PATRICK MILLARES

RAFAEL VINAS

RANNIE GARCIA

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

UPPER BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with