^

Metro

Nilayasan ng ka-live-in, karpintero nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang karpintero ang kanyang buhay nang magbigti sa loob ng kanyang bahay makaraang iwan ng kinakasama dahil sa pagiging sugapa sa iligal na droga at alak, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Felix Pedrozo, 59, nanunuluyan sa  Putuhan St., Tramo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng kasamahan nito sa bahay na si Revilun Balansag, ang bangkay ni Pedrozo na nakabigti sa inuupahan nitong silid.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng matinding away si Ped­rozo at ang 58-anyos na kinakasama na si Lourdes Fermeloza noong araw ng Linggo nang umuwi na nasa impluwensya ng alak at iligal na droga ang lalaki.  Nasaktan umano ni Pedrozo ang babae kaya ito lumayas.

Tinangka naman umanong sunugin ni Pedrozo ang kanyang silid ngunit naawat agad ni Balansag.  Inireklamo naman ng mga kapitbahay si Pedrozo sa barangay at naghain ng petisyon para palayasin ito sa kanilang lugar.

Ipinatawag naman ito sa barangay kung saan nakipagkasundo si Pedrozo sa mga kapitbahay na hindi na gagawa ng gulo. Dito na naging tahimik si Pedrozo hanggang sa ma­diskubre ang nakabigti nitong katawan.

vuukle comment

BALANSAG

DITO

FELIX PEDROZO

INIREKLAMO

LOURDES FERMELOZA

PASAY CITY

PEDROZO

PUTUHAN ST.

REVILUN BALANSAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with