Bangkay ng paslit lumutang sa creek
MANILA, Philippines - Matapos ang halos 16 na oras na paghahanap, natagpuan na ang isang 6-anyos na batang lalaki na nawala matapos madulas at mahulog sa creek habang nagtatampisaw sa baha dulot ng pag-ulan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Ayon kay Gng. Editha Soriano, assistance desk officer ng Brgy. Nova Proper, si Ariseo “Jumong†Nerpio, ay natagpuan ng kanilang mga barangay tanod, ganap na alas-7:45 ng umaga sa may Lapu-Lapu at San Pablo Sts. sa Doña Rosario, Brgy. Novaliches Proper.
Sabi ni Soriano, Martes ng alas-3:30 ng hapon nang mapaulat ang pagkawala ni Jumong matapos na mahulog sa may San Paulo creek sa kanilang barangay.
Bago ito, sa kasagsagan umano ng buhos ng ulan ay naligo ang bata kasama ang ilang kalaro malapit sa kanyang bahay sa may P. Tupaz St.
Habang nagtatampisaw sa ulan ay may dumaan umanong grupo ng mga kabataang nagbibisikleta at sumabay ang biktima hanggang sa magawi sa may nasabing creek kung saan nadulas, at nahulog sa creek.
Diumano, sa pagbagsak sa tubig ng bata ay bigla itong naglaho. Inabot pa ng 16 na oras bago ito tuluyang nakita.
- Latest