^

Metro

12-anyos lunod sa swimming pool

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ang buhay ng isang 12-anyos na batang lalaki matapos sumisid sa malalim na bahagi ng swimming pool sa Ermita, Maynila,  kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila si John Roland Soriano, residente ng Dagonoy St., Sta. Ana, Maynila, dakong alas-6:30 ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Alonso T. Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon nang magtu­ngo sa Army Navy Club sa TM Kalaw St., Ermita, ang biktima kasama ang kanyang ina na si  Marites Soriano at iba pa upang mag-swimming.

Habang nagsi-swimming ay nagsisi­gaw umano ang ina ng biktima ng saklolo para sa anak at agad namang rumes­ponde ang lifeguard na si Reynald Arias at iniahon ang biktima sa umano’y nasa 8 talampakan lalim ng swimming pool.

Binigyan muna umano ng first aid ang bata bago isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay.

 

vuukle comment

ALONSO T

ARMY NAVY CLUB

DAGONOY ST.

ERMITA

JOHN ROLAND SORIANO

KALAW ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARITES SORIANO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with