^

Metro

2 carnapper todas sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ilang minuto makaraang mangarnap ng motorsiklo ng isang lalaki at manghablot pa ng bag ng isang ginang sa magkahiwalay na lugar sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, may taas na 5’5, nakasuot ng puting t-shirt at kulay asul na shorts na may tattoo na “Imelda” sa kanang dibdib, “Jacklyn” sa kaliwang dibdib at “Lano” sa kanyang sikmura ang isang suspect habang isa  pa ay may taas ding 5’5,  payat, moreno, nakasuot ng pu­ting t-shirt at comouflage na pantalon, may tattoo na “Romano Santos” sa kanyang kanang katawan. Kapwa  nasa pagitan ng edad na 30-40 ang mga suspect.

Sabi ni Albano, nasawi ang mga suspect makaraang maka-engkuwentro ng mga ito ang tropa ni Supt. Nobertro Babagay ng Police Station 11 na nagpapatrulya sa may bahagi ng Doña Imelda sa lungsod.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang engkwentro sa may kahabaan ng Sto. Tomas, corner Cordillera Sts., Brgy. Don Manuel, ganap na alas 2 ng madaling araw.

Bago nito, sinasabing tinangay muna ng mga suspect ang isang chong­qing Racal Mc, na kulay itim ng barangay tanod na si Ryan Abayan, 24, malapit sa bahay ng huli sa Santol St., Brgy. Santol.

Nang makuha ang motorsiklo ginamit ito ng mga suspect kung saan pagsapit sa Brgy. Doña Imelda ay natiyempuhan naman ng mga ito ang biktimang si Mary Grace Beltran, 28, isang factory worker, at inagawan nila ng bag na naglalaman ng cellphone at pera, saka tumakas.

Ang insidente ay nakarating naman sa kaalaman ng tropa ng PS11 at agad na itinawag sa mga nagpapatrulya nilang tropa na sakay ng Mobile unit QC-40 para magsagawa ng follow-up operation.

Ilang sandali, natiyempuhan ng tropa ang isang motorsiklo na walang plaka at sakay ang dalawang lalaki.  Subalit, nang makita ng mga suspect ang mga pulis ay agad na huminto ang mga ito saka nagsipagbabaan sa motorsiklo at pinaputukan umano ang mga huli.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga operatiba sanhi para mauwi ito sa engkwentro at kalaunan ay ikinasawi ng mga suspect. Narekober sa lugar ang dalawang kalibre 45 pistola na gamit ng mga suspect, bukod pa sa mga gamit at motorsiklo ng mga nasabing biktima.

Ayon kay  Albano, posibleng ang mga suspect din ang mga sangkot sa nangyayaring robbery holdup  sa palibot ng lungsod dahil sa estilo ng kanilang ginawa at bihasa ang mga ito sa kanilang gawain.

Sa kabila nito, muling nagpaalala si Albano sa publiko na doblehin ang pag-iingat lalo na sa mga umuuwi sa dis-oras dahil ngayong nalalapit na ang pasukan ay nagiging aktibo na rin ang mga masasamang loob.

 

ALBANO

AYON

BRGY

CORDILLERA STS

DON MANUEL

IMELDA

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with