^

Metro

MPD blangko pa sa motibo sa pagpaslang sa bank executive

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Blangko pa ang Manila Police District-Homicide Section tungkol sa motibo sa naganap na pagpaslang sa lady bank executive­ na tinambangan sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Homicide chief, Senior Insp. Steve Casimiro, batay sa mga nakuhang impormasyon ay walang anggulo ng holdap o kinalaman sa trabaho bilang manager ng Bank of The Philippine Islands (BPI) ang pamamaslang sa biktimang si Rosemarie Gatan, 51, biyuda, ng  Vicente G.Cruz  St., Sampaloc, Maynila.

“Nag-imbestiga kami sa banko wala naman problema at maayos naman ang kanyang trabaho. Kung holdap dapat e kinuha yung kanyang gamit, kaso pagputok iniwan na siya ng mga suspect,” ani Casimiro.

Idinagdag pa nito na hindi namukhaan ng mga testigo ang mga suspect na riding in tandem dahil kapwa naka-helmet at ang angkas umano ang siyang nagpaputok ng isang beses sa biktima.

May posibilidad naman na ginitgit ang riding in tandem at nagalit ang mga ito sa biktima, gayung hindi na marahil umano inalam kung babae ang nagmamaneho dahil heavily tinted ang salamin ng SUV ng biktima.

“Yung kotse ng biktima hindi mo makikilala yong nasa loob heavy tinted at saka isang beses lang pinutukan yong biktima,” ani  Casimiro.

Wala naman umanong karelasyon ang biktima matapos mabalo may 7-taon na ang nakararaan kaya walang nasisilip na may anggulong lovelife.

Matatandaang kamakalawa, dakong alas-8:30 ng umaga nang dikitan ng riding in tandem ang Mazda silver na may pla­kang PBQ-172 at barilin ng isang beses nang malapitan ang  biktima kaya nabangga sa posteng bakal ang sasakyan.

Isinugod siya sa Medical Center Manila kung saan idinek­larang patay dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg mula sa kalibre .38 baril.

vuukle comment

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

BIKTIMA

CASIMIRO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MEDICAL CENTER MANILA

ROSEMARIE GATAN

SENIOR INSP

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with