^

Metro

Lady bank exec todas sa ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 51-anyos na ma­­­nager ng isang banko ang binaril at napatay ng riding-in-tandem habang nagmama­neho ng kaniyang SUV sa tapat mismo ng National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Taft Ave­nue, Ermita, May­nila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang  biktimang si Rosemarie Gatan, re­ sidente ng V. G. Cruz St., Sam­paloc, Maynila at branch manager ng Bank of the Phi­lippine Islands (BPI) sa Padre Faura, Er­mita, Maynila.

Ayon sa imbestigas­ yon ni PO3 Rommel del Ro­sa­rio, ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, da­­kong alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang insi­dente sa southbound ng Taft Avenue kung saan rumampa pa sa island ang minamanehong Mazda (PBQ-172) na kulay silver ng biktima.

Sa imbestigasyon, si­na­­bayan ng riding in tandem ang pagbaybay ni Gatan sa southbound lane ng Taft Avenue at pagtapat sa Cosmopolitan church ay binaril ito ng isa sa dalawang suspect. Nagawa pang magmaneho hanggang sa bumangga na sa kilometer post sa tapat ng Pearl Orient Hotel sa harap lamang ng NBI ang sasak­yan ng biktima.

Nakalagpas na umano sa pinapasukang banko ang biktima dahil sa pangyayari at nabalitaan ng mga kasamahan sa BPI ang nasabing ambush nang magtungo sa kanilang banko ang mga empleyado ng Land Bank na nag-usyoso sa insi­ dente

Nabatid na kahit maraming dalang tseke sa bag ang biktima, gayunman walang nagalaw o intact ito maging ang personal na pera at mga kagamitan.

Wala pang motibong ma­kita ang pulisya, baga­mat pag-aaralan kung may kinalaman ang insi­dente sa kaniyang tra­ baho o ti­nangkang agawan ito ng sasakyan.

 

vuukle comment

BANK OF THE PHI

CRUZ ST.

HOMICIDE SECTION

LAND BANK

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with