^

Metro

Divisoria mall nasunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasunog ang New Divisoria Mall sa lungsod ng Maynila kahapon ng ha­tinggabi.

Umabot sa Task Force Charlie ang sunog na naganap sa New Divisoria Mall sa kanto ng Tabora at Komersiyo Sts. sa Maynila na nagsimula bandang alas-12 ng hatinggabi ngunit habang sinusulat ang ba­litang ito ay hindi pa rin naaapula ng mga bombero ang sunog.

Nabatid mula sa Manila Fire Bureau, na galing sa basement ng mall ang apoy na ayon sa salaysay ng mga guwardiya ay su­mabog ang isa sa mga free­zer dito na pinaniniwalaang nag-overheat.

Nagkaroon din ng tensiyon matapos na makulong sa ikalawang palapag ng mall ang guwardiyang si  Teodoro Enriquez at utility crew na si Franklin Peralta ngunit  sila ay naisalba naman ng mga bumbero sa pamamagitan ng lubid at inilagay na hagdan.

Wala namang nagawa ang mga nagnenegosyo sa New Divisoria Mall kundi panoorin na lamang ang nasusunog na gusali.

Pawang mga dry goods tulad ng mga laruan, tela at damit na  binebenta  ng kilu-kilo ang mga nasunog  kayat mabilis na kumalat ang apoy.

Nabatid na posibleng abutin pa ng dalawang araw ang pag-apula sa apoy  dahil sa malalaking pader na kumukulong sa  makapal na usok.

Ito umano ang dahilan kaya kahit na may mga breathing apparatus ang mga bumbero ay nahirapan.

vuukle comment

FRANKLIN PERALTA

KOMERSIYO STS

MANILA FIRE BUREAU

MAYNILA

NABATID

NEW DIVISORIA MALL

TASK FORCE CHARLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with