Bebot utas sa kapwa vendor
MANILA, Philippines - Isang ginang na vendor ang pinagsasaksak ng kanyang kapwa vendor matapos na komprontahin ng una ang huli dahil sa sumbong ng anak ng pambabatok sa Tondo, Maynila kamaÂkalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Mary JhonsÂton Hospital ang biktimang si Sheila Ebdane, sanhi ng saksak sa katawan samantalang pinaghahanap naman ang suspect na isang lalaking nagtitinda ng pakwan, nasa 40-45 anyos na matapos ang insidente.
Sa report ni SPO1 Jay Santos ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo
Nauna dito, nagÂtiÂtinda ang biktima sa nasabing lugar nang nagsumbong sa kanya ang anak na si Hazel, 11 na umano’y madalas batukan ng suspect.
Dahil dito, pinuntahan ng biktima ang suspect sa kanyang puÂwesto at kinompronta ito subalit imbes na humingi ng paumanhin ay kumuha ng kutsilyo sa ilalim ng kanyang kariton at habang nakatalikod ang biktima ay inundayan ng saksak.
- Latest