^

Metro

Redistricting at In-City Relocation una kay Erice

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung hindi nagawang maisa-batas ng dalawang kasalukuyang Kinatawan sa Caloocan City ang re­districting dahil sa kanilang malinaw na pansariling interes, si Vice Mayor at Liberal Party congressional candidate ang magsusulong nito sa Mababang Kapulungan.

Sa isang panayam, ani Erice kung siya ay ma­bibigyan muli ng pagkakataon ng kanyang mga kababayan na maging Kinatawan sa Kongreso madali niyang makukumbinsi ang mga kapwa n’ya mambabatas na tiyak karamihan ay kanyang kaalyado sa LP upang magkaroon ng limang congressional districts sa lungsod.

“Kung sila hindi nila kaya dahil masisira ang kanilang political dynasty, ako kaya kong isulong ito para sa interes ng mas nakararaming residente dahil ako ang una at huling Erice na pulitiko at maglilingkod sa Caloocan,” tahasang sinabi ni Erice.

Katunayan, ayon sa ilang taga-suporta niya, mismong mga residente ang kumukumbinsi sa kan­yang mga kapatid na sundan ang kanyang yapak sa pulitika subalit mismong si Erice ang nag-discourage sa kanila.

Sa planong redistricting, tiyak ang taga-lungsod na umaabot na sa mahigit na dalawang milyon ang dami ng makikinabang dahil magkakaroon sila ng limang Kinatawan sa Kongreso. Ang ibig sabihin, kung may P140-million na nakalaan bilang pondo ng kasalukuyang mambabatas sa Calo­ocan kada taon magiging P350-million ito kapag naisabatas ito.

Una rin sa kanyang pro­­grama ang on-site at in-city relocation lalung-lalo na ang mga nakatira sa danger zones tulad ng may mahigit na pitong libong residente na nakatira ‘along da riles.’

 

CALO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

KATUNAYAN

KINATAWAN

KONGRESO

LIBERAL PARTY

MABABANG KAPULUNGAN

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with