2 kidnaper huli sa checkpoint
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga kagawad ng Manila Police District-Station 3 ang daÂlawang pinaniniwalaang kidnaper kung saan nasamsam sa mga ito ang isang shotgun, isang patalim, mga bala, mga itim na bonnet at packaging tape sa bahagi ng Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Supt. RiÂcardo Layug, hepe ng MPD-Station 3, nagsasagawa ng checkpoint sa paÂnulukan ng Raon at Quezon Blvd., sa Sta. Cruz, ala-1:30 ng madaÂling-araw ang kanyang mga tauhan nang parahin ang sasakÂyan ng mga suspect na kinilalang sina Noel Nilooban at Edison Decena, kapÂwa residente ng MaÂuban, Quezon dahil sa kahina-hinalang plaka ng PNPA sa harapan habang sa likuran ay TQT- 248.
Nang rekisahin ay naÂdiskubre ang mga dala nitong gamit. InaÂmin din ng mga ito na kanilang dudukutin ang anak ng isang negosÂyanteng Chinese sa Quezon City.
Ani Layug, ipinagÂharap na nila ng kasong illegal possession of fireams and ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code.
Nakikipag-coordinate pa umano sila sa PNPAKGÂÂ para maÂtukoy kung may records ng pagÂkidnap at iba pang krimen ang mga suspect na nakapiit sa nasaÂbing preÂsinto, ayon kay LayugÂ.
- Latest