^

Metro

Bahay ng mayoralty candidate grinanada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang suspect ang bahay ng isang kumakandidato sa pagka-alkalde sa Mindanao, kahapon ng madaling-araw sa San Andres Bukid sa  Maynila.

Nabatid sa ulat,  naganap ang paghagis ng granada sa bahay ng negosyanteng si Baswali Alawiya, 40  at kandidato sa pagka-alkalde sa Malundo, Lanao del Sur bandang  alas- 4:00 kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa umanong lalaki ang lumapit sa bahay ni Alawiya na matatagpuan sa Alabastro St., San Andres Bukid  sabay hagis ng granada.

Wala namang naiulat na nasugatan sa pagsabog, bagamat nawasak ang bahagi ng garahe ng bahay,  ayon sa caretaker ng bahay na si Asraf Mugni.

Ayon kay Mugni kasalukuyang nasa  Lanao si Alawiya para mangampanya sa kanyang kandidatura. Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

 

vuukle comment

ALABASTRO ST.

ALAWIYA

ASRAF MUGNI

AYON

BASWALI ALAWIYA

HINAGISAN

KASALUKUYAN

LANAO

MALUNDO

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with