^

Metro

Kelot biktima ng hit and run

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang isang lalaki matapos itong ma-hit and run ng isang sa­sak­yan habang papatawid ito kahapon ng madaling­- araw sa Taguig City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na binawian ng buhay habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital. Inilarawan lamang ito na nasa gulang na 30 hanggang 40-anyos, nakasuot ng sando at checkered na shorts.

Sa report na natanggap ng Taguig City Traffic Management Office, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng ha­tinggabi  sa kahabaan ng north bound, C-5 Road,   Pinagsama Village ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na papatawid ang biktima at hindi nito namalayan ang isang paparating at humaharurot na sasakyan at dito na nasagasaan ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang nakasagasa sa biktima na ngayon ay patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang pulisya para ito matunton.

HABANG

INILARAWAN

LASOG

MABILIS

NABATID

PINAGSAMA VILLAGE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with