Babala sa bagong modus operandi ng karnaper
MANILA, Philippines - Nagbabala ang pulisya sa publiko laban sa bagong modus opeÂrandi ng grupo ng karnaper matapos maaresto ang isang babae na tumatayong tagapamagitan sa mga sasakyang isinaÂsanla kung saan tuluyang mawawala.
Ayon kay Quezon City Police District-Station 3 commander P/Supt. Michael Macapagal, dinakma ang suspect na si Editha Siasat matapos ang entrapment operation sa Quezon City PNP dahil sa reklamo ni Francisco Pascual.
Sabi ni Macapagal, isinanla ni Pascual ang kanyang Nissan Frontier Navarra (TLO 566) noong Marso kung saan sa pamamagitan ng isang ahenteng si Cesar Gaudia ay nagawang ma-contact si Siasat.
Nang makapagbayad na ang biktima sa suspect at nais na nitong ibalik sa kanya ang isinanlang sasakyan noong Martes ng gabi, humingi pa umano ng karagdagang P7,000 ang suspect. Dito na nagpasyang humingi ng tulong sa pulisya si Pascual kaya isinagawa ang entrapment operation laban sa suspect sa convenience store sa Barangay Talipapa.
Itinuro ng suspect ang isang alyas Nelson Perez na sinasabing kasabwat nito sa iligal na operasÂyon.
- Latest