^

Metro

SUV bumaliktad: 4 alalay ng alkalde sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat-katao na sinasabing security escort ng imcumbent mayor ang iniulat na sugatan kabilang ang dalawang pulis makaraang bumaliktad ang kanilang sports utility vehicle bago sumalpok sa poste ng Metro Rail Transit (MRT) EDSA sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga biktimang isinugod sa East Ave­nue Medical Center ay sina PO2 Alexander Lim, PO2 Nemecio Espineli habang dinala naman sa Quezon City General Hospital sina Jose Biwag at Conrado delos Santos na pawang security personnel.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng itim na Toyota Fortuner na walang plaka nang mahagip ng kaliwang gulong ang gutter ng kalsada kaya nawalan ng kontrol ang driver pagsapit sa North Ave. Ext. ng MRTmalapit sa Trinoma.

Dito na bumaliktad ang SUV kung saan nagkabasag-basag ang salamin ng SUV bago sumalpok sa poste ng MRTbandang ala-1:15 ng madaling-araw.

Sa ulat ng MMDA, naka­rehistro ang SUV sa nagnga­ngalang Isabel Cojuangco Suntay na sinasabing 2ndcousin ni P-Noy.

May nakita rin ang MMDA personnels sa sasakyan ng mga election flyers na may pangalan at imahe ng incumbent mayor ng Tarlac City.

Samantala, ang kaso ay hindi naman nakarating sa tang­gapan ng Quezon City Police Traffic Sector 6 na dapat­ sana ay may hurisdiksyon.

ALEXANDER LIM

EAST AVE

ISABEL COJUANGCO SUNTAY

JOSE BIWAG

MEDICAL CENTER

METRO RAIL TRANSIT

NEMECIO ESPINELI

NORTH AVE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with