^

Metro

2 bangkay lumutang sa creek

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao, kabilang ang isang babae at isang batang lalaki ang magkasunod na natagpuan sa creek sa Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa report ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang unang madiskubre ang nakalutang na katawan ng  isang batang lalaki na may edad sa pagitan ng 12-14, may taas na 4’2’’ hanggang 4’10’’, nakasuot lamang ng kulay berde na underwear sa may Estero de Vitas sa may Aplaya, Vitas, Tondo. Hinihinalang nalunod sa paliligo ang bata.

Dakong alas-8:00 naman ng gabi nang madiskubre ang pangalawang bangkay na inilarawan na may katabaan na babae,  tinatayang may edad sa pagitan ng 20-30, mahaba ang buhok, nakasuot  ng kulay itim na t-shirt at itim na short pants, sa riverside, Katuparan, Vitas, Tondo.

Maliban sa gasgas sa kanyang likuran, wala nang iba pang nakitang palatandaan na pinahirapan ang biktima. Ang bangkay ng mga biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Universal Funeral Homes  para sa safekeeping at awtopsiya.

vuukle comment

APLAYA

DAKONG

DALAWA

ESTERO

HINIHINALANG

KATUPARAN

MALIBAN

MAYNILA

UNIVERSAL FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with