^

Metro

Rider tuhog sa bakal, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi sa pagamutan ang isang motorcycle rider makaraang matuhog ang kanyang katawan ng bakal na karga ng isang delivery van makaraang sumalpok siya rito, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si Dorotheo Rodri­guez, residente ng Pa­lanan, Makati City. Bukod sa tusok ng bakal sa katawan, nagtamo rin ito ng grabeng pinsala sa ulo.

Lumabas sa pagsisiyasat, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng East Service Road dakong alas-5 ng madaling- araw lulan ng motorsiklo (3937 TJ) nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa likurang bahagi ng nakaparadang Isuzu delivery truck (PJH-132)  sa harapan ng isang junk shop sa Iba Street.

Sa lakas ng pagka­kasalpok, pumutok ang ulo ng biktima kahit may suot pang helmet at tumusok sa kanyang katawan ang ilang mga naka­usling 10 mm. square bar na kabilang sa mga kargamento ng nakaparadang truck.

Kinumpirma ng ilang nakasaksi na masyadong mabilis ang patakbo ng motorsiklo ng biktima at nagtangkang mag-overtake sa sinusundang sasakyan ngunit nabulaga sa nakaparadang trak.

vuukle comment

BUKOD

DOROTHEO RODRI

EAST SERVICE ROAD

IBA STREET

ISUZU

KINUMPIRMA

LUMABAS

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with