^

Metro

3 lalaki, nagbigti

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki ang nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbibigti sa magkakahiwalay na lugar sa Parañaque, Maynila at Pasig City.

Dakong alas-6 ka­hapon ng umaga nang madiskubre ang ginawang pagbibigti ni Elmer Cernichez, ng Napoleon Compound, UPS 5 Brgy. San Isidro, Parañaque City sa loob ng kanilang bahay dahil umano sa selos at problema sa kanyang pamilya.

Sa ulat, dakong alas-10 nitong Linggo ng gabi nang huling makita ng mga anak na buhay ang kanilang ama habang pumasok naman sa trabaho ang misis nito na si Nenelyn bilang janitress sa isang kompanya sa Makati City.

Ipinagtapat ni Ne­ne­lyn sa pulisya na ma­limit silang magtalo ng mister dahil sa pagseselos nito nang walang dahilan dahil sa pinaghihinalaan siya na may kinalolokohang lalaki kapag pumapasok ng gabi.

Bukod sa selos, namumrublema rin ang mag-asawa sa kakapu­san sa pera dahil sa pag­papaaral sa kanilang 14-anyos na anak na isang pipi at bingi sa isang “special education” na pa­aralan na may bayad.

Sa Maynila, nagbigti rin ang construction worker­ na si Ronaldo Mijares, ng Lacson St., Sampa­loc matapos umanong iwan ng kanyang misis at anak.

Nabatid na nagtu­ngo sa ibang bansa ang misis ng biktima bilang overseas Filipino worker (OFW) na ayon pa sa ulat,  bago pa mag-abroad ay nakipaghiwalay na ang misis. Napag-alaman na maging ang anak nito ay iniwan na rin ang nasawi  na sinasabing posibleng dahilan ng ginawa nitong pagpapakamatay.

Samantala sa Pasig City, winakasan ni Rochan Linsey, 25, binata, ng Ca­liuag St, Brgy. Pinagbuhatan ang kanyang buhay sa pama­magitan din ng pagbibigti kahapon ng madaling-araw.

Sinasabing lulong sa droga ang nasawi.

Ayon sa ina ng biktima na si Yola Linsey, 50, nag-umpisang gumamit ng iligal na droga ang anak noong 17-taong gulang pa lamang ito.  Kagaga­ling pa lamang umano nito sa isang rehabilitation center ngunit nang makalabas ay nagbalik din sa dating bisyo.

Hinala ng pulisya, ma­aaring nasobrahan ng gamit ng iligal na droga ang biktima kaya naisipan na magbigti.

vuukle comment

BRGY

ELMER CERNICHEZ

LACSON ST.

MAKATI CITY

NAPOLEON COMPOUND

PASIG CITY

ROCHAN LINSEY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with