^

Metro

5 holdaper arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng limang holdaper  matapos nilang biktimahin ang isang driver kamakalawa ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police ang mga suspect na sina Paulo Manuel, 17,  out of school, taga #133 Villanueva St.; John-John De Mesa, 19; Jordan Arcaina, 16; Raul Latayan, 17 at Nixam­ Ma­nuel, 26, pawang residente ng #2047 Tramo St., ng nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang biktimang si Mark Ermena, 26,  family driver, residente ng #133 Villanueva St., Taft Ave­nue ng naturang lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng mada­ling-araw sa panulukan ng Luna St., at Taft Avenue ng nabanggit na lungsod.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar upang sunduin ang kapwa nito tsuper, nang biglang sumulpot ang mga suspect hanggang sa tinutukan ang biktima at nagdeklara ng hold-up.

Tinangay ng mga suspect ang bag ng biktima na nag­lalaman ng pera, cellphone at mahahalagang gamit nito.

Mabilis na tumakas ang mga suspect subalit hindi naman ito binalewala ng pulisya kung saan nagsagawa ng follow-up at nadakip ang lima.

 

JOHN-JOHN DE MESA

JORDAN ARCAINA

KINILALA

LUNA ST.

MARK ERMENA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PAULO MANUEL

VILLANUEVA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with