^

Metro

Sadistang ama, ipinakulong ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ama ang pinakulong ng kanyang sariling anak matapos na hindi na maka­yanan ng huli ang pagmamaltrato at panggugulpi sa kanya at sa kanyang mga kapatid  ng una  sa Navotas City kahapon ng madaling- araw.

Nakakulong ang suspect na si Arturo Villanueva, 42, taga Tondo, Manila matapos itong ipagharap  ng reklamo sa Women and Children Protection Desk, Navotas City Police.

Inireklamo ito ng kanyang 17-anyos na anak na itinago sa pangalang Rico.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang huling panggugulpi ng suspect sa biktima sa kanilang bahay sa Navotas City.

Sa naging reklamo ng binatilyo, hindi aniya  ito ang unang­ pagkakataon na si­naktan siya  ng kanyang ama at pati na ang kan­yang mga kapatid ay ginugulpi din ng suspect.

Sa pahayag ni Rico, tuwing dumadalaw sa kanilang bahay sa Navotas City  ang kanyang tatay ay madalas itong lasing at sa hindi malamang dahilan ay palagi silang ginugulpi nito.

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong serious physical injuries at pag­labag sa RA 7610 o Child Abuse Act.

 

vuukle comment

ARTURO VILLANUEVA

AYON

CHILD ABUSE ACT

INIREKLAMO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RICO

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with