^

Metro

2 tiklo sa marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang lalaki matapos na mahulihan ng mga pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy- bust operation sa San Juan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Michael De Asis, 22, alyas “Toto”, at si Luis Philip Garcia, 20, kapwa residente ng Villamor St., Brgy. Tibagan, San Juan City.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang operasyon ng San Juan City Police­ sa kanto ng M. Salvador St. at F. Blumentritt St., sa Brgy. San Perfecto, San Juan City. Nauna rito, nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa talamak na bentahan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa nasabing lugar.

Kaagad namang nagsagawa ng surveillance ang pulisya at nang makumpirma ang impormasyon ay mabilis na isinagawa ang pagsalakay kung saan dinakma ang mga suspect.

vuukle comment

BLUMENTRITT ST.

BRGY

LUIS PHILIP GARCIA

MICHAEL DE ASIS

SALVADOR ST.

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY POLICE

SAN PERFECTO

VILLAMOR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with