^

Metro

Erap, Isko ‘no show’ sa forum

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na naman sumipot si dating pangulong Joseph Estrada sa forum ng mga kandidato na inor­ganisa ng Archdiocese of Manila para sa mga local candidates sa lungsod ng Maynila.

Tanging sina Manila Mayor Alfredo S. Lim, vice mayoral candidate Lou Veloso, re-electionist candidates sa Kongreso na sina Carlo Lopez at Atong Asilo, gayundin ang mga kandidato sa pagkakonsehal ang dumating sa itinakdang  oras na 9 ng umaga ng  Manila Cathedral School na dinalu­han ng may 2,000 katao.

Kabilang sa mga du­ malo ang mga barangay chairmen, pari at pari­shioners mula sa 47 Catho­lic churches  sa lungsod.

Wala ninuman sa grupo nina Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang dumating sa `Candidates Forum 2013’, bagama’t nagkumpirma ang huli na dadalo habang wala namang tugon sa imbitasyon si Estrada.

Matatandaan ding hindi sinipot ni  Estrada at ng mga kasamahan nito ang isa ding forum na isinagawa naman sa  College of St. Benilde noong nakaraang linggo.

Layon ng forum na ma­tulungan ang mga bo­tante na pumili ng tamang kandidato na magsisilbi sa kanila sa loob ng  tatlong taon.

vuukle comment

ARCHDIOCESE OF MANILA

ATONG ASILO

CANDIDATES FORUM

CARLO LOPEZ

COLLEGE OF ST. BENILDE

JOSEPH ESTRADA

LOU VELOSO

MANILA CATHEDRAL SCHOOL

MANILA MAYOR ALFREDO S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with